Never Not Love You

Well, hmmm di ako fan nila JaDine ok. hehe Si Gerro kasi crush daw niya si Nadine so wala ako choice kung hindi samahan siya. Pero nakita ko yun trailer, mukhang ok naman at siyempre yun chismis na di matapos yun film due to ehem delays and some events, mabuti at mapapalabas na.

Pagkatapos ko manood eh masasabi ko pa din ok lang siya pero sayang maiimprove pa sana eh. May mga problema ako sa film na to. Una, eh mas maganda kung nagstay pa yun character ni Nadine sa UK then umuwi siya or naghiwalay siya kay James. Kasi may scene na ok naman yun work ni Nadine pero siyempre medyo mataas expectation ng character niya (sa tingin ko, eh normal ata sa nagmimigrate na babaan yun expectations sa career di ba?). Tapos biglang uwi sa Pinas kahit ganun yun nagiging result ng work di ba.. Biglang di nagtiis si Nadine pero sa first parts of the film sobrang nagtiis siya kay James. Weird right. Basta sayang yun opportunity na yun.

Pangalawa eh parang ang bilis ata nila mag on. hahaha Or anyway, parang nabilisan lang ako siguro para ipasok nila agad yun UK part of the story. Sana medyo tinagalan nila ng kaunti at yun.. Sayang naman yun chemistry nila well, sila naman in real life pero sana pinahaba pa yun ligawan or getting to know stage. A bit longer.

Panghuli, yes, kulang sa display kung paano naging magaling na artist yun character ni James. At least yun kay Nadine side nakita kahit papano, si James not really. Maybe the tatoo scenes.

Ah sorry may isa pa, yes, nafeel ko na mostly may iba sana sila ginawa pero dahil ata sa delays and problems, they chose safe plot points like yun pagbalik ni Nadine sa pinas, it’s the same work just different company. James backstory was a bit hidden. Kala ko nga tatay niya UK or Aussie (di ko alam Aussie si James Reid.hehe) The UK arc yun nga medyo short for Nadine and other choices. I think they could have expand or done better in those parts.

Pero siyempre di naman masama yun film. First, the dialogue was straight up and just going to notions na lang. Except for the confusing double negative name of the film Never Not Love You, eh ayos yun dialogue. Natural kung baga kahit yun murahan na mabuti sinama. Mapapamura ka nga naman kung bigla bigla ang desisyon di ba? hahaha
Second, I like the simple set up mapa location, music at the film itself. Kahit medyo halata na tight budget kasi UK na ito eh. hehe Yun office ni Nadine, tapos yun office ni James tapos I like yun Job hunting ni Nadine saka the whole UK set up. Just right. Yun sa music kahit isang kanta lang ginamit nila, the absence of background music most of the time works saka yun cinematography, very vivid. Mapa madilim or in a day, kahit yun video call scenes, very believable.

Huli, the ending.. Noong pinapanood ko to, sabi ko parang blue valentine ha. hahahaha Pero naiba naman at the most part at good thing the open ending is just fitting sa film. I think kahit lahat ng parts of the film parang may gusto gawin ni direk Antonette pero yun ending, yun na talaga. Basta yun at cut na. Its open ended. You can think (sorry for the spoilers), hmmm pwede sobrang happy ending kasi nagmature silang dalawa. Pwedeng din, yun character ni Nadine biglang nagchange of heart, pinatos yun kaoffice mate. hahaha Or James’ character realized na dapat di na ko umuwi at nag UK ako, ipon for 2 years and get married to Nadine or worse hiwalay. Mga ganun ba. Mali ako pero yun lang interpretation ko.

Ah sorry, bonus, in fairness, magaling si James but he needs to have roles that speaks Tagalog. Sayang naman ok na tagalog niya. Si Nadine, wow, pwede na siya maglead ng ibang film or they can separate na and do their own. It’s a waste if they just do movies together right? I prefer watching them than those other love teams these days which all they do is deceive people or make people puke of their outrageous sweetness. Bwahahaha I’m included.

So yun lang, I think Kita Kita is a better film kahit maiksi, simple yet very deeper story and overall. Then siguro eto tapos ano pa yun 12 napanood ko, I like the concept kaso medyo kulang. St. Gallen is pinoy before sunset trilogy na isang film na sayang din, nakulangan din ako. 100 tula, isa pa yun. hahahaha

Etong film na to, tama lang siya. Di lang sana 270 di ba… =P

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.