Lazada

Bluetooth inear, mouse and keyboard, micro sd memory card, a lot of external hdd, hdd adaptor, headset for my teaching, dual usb drive, eload, xiaomi smartphones and even this 2.1 speaker that I got in a sale price… May mga nakalimutan pa ko, at eto na.. Yes. Amazon!

Lazada pala. hehe Paano ba ko nagstart bumili dito. Ah yeah, I was searching for keyboard and mouse eh pesteng mga ads to, at napost ko naman dito yun review ko.. Saka nagkataon na sale! Yun nga lang, matagal yun delivery, kinuha ko na. Now, I’m still using that colorful keyboard and mouse. Very responsive lalo na sa games at pagtype ko dun. Sa susunod, kukuha na din ako ng mech keyboard. hahahaha

Then kung titignan mo yun wishlist ko, aba medyo marami, ngayon araw nga kahit di ko kailangan, may nakalagay na TV. hehe In the future perhaps.

Anyway, siyempre it’s not perfect though, pero muntikan na din ako magkamali ng order. First thing, dapat check nila regularly yun companies nagbebenta. I mean, gaya nun recently, umorder ako tapos days before madeliver sa nakalagay na date sa order, aba yun page ng company, nawala!!! Kinabahan ako, baka madelay or worse, di na mapadala yun order. Nagiisip na nga ko ng script ko para makarefund ako. hehehe Few days later, nakuha ko na order ko. Wow! Kaya sana they check those retailers na bigla na lang nawawala. Second thing, sana fully paypal na din yun bayad sa eload for security purposes. Third thing they can improve, availability ng ibang products, halos complete naman sila kaso may iba pa din na mayrun si newegg or amazon. Although di naman big deal ito kasi yun ibang shopper wala naman paki sa ibang items, pero ako na parang sa US lang mayrun nung gusto kong item, sana mayrun na din sa Lazada for shipping expenses discount. hehe Pero kung di mafulfill yun, ok lang. Parang yun lang tatlo na sana improve nila eh..

Ok, great things about Lazada. Una, sa sobrang convenient at malawak na variety ng products na binebenta nila, a great shopping option. Imbes na pupunta ako OLX or greenhills para sa smartphone, eh dito na lang ako umorder, lalo na para kay Mommy. hehe Importante naman icheck agad ang cellphone kasi 7 days replacement warranty lang. So far so good, then ganun din sa ibang products nila na nabenta. Kung may problema, madali lang icontact yun dealer, so overall, it saves times na maglakad at punta dito, tignan dun at trapik pa.. May mga binili ako sobrang less hassle, or worse lang siguro, maghintay, kasi sa China pa galing yung order ko. Ok lang sa kin yun, kasi di naman ako nagmamadali.

Pangalawa panalo dito, ayun paypal pwede!!!! I know naman secure website nila pero siyempre iba yun may paypal kaya yun. Less steps to make a payment and ok naman yun COD pero never ako nagCOD. Bayad na lang agad.. Pangatlo, yun items available dito. Kulang na lang ata, ano botika na lang dito? hahaha Sa akin, yun computer peripherals, like HDD, usb o kahit micro SD, ok naman dito. Saka maganda kasi maraming dealers at pwede mo pa makita yun mga prices.. Compare muna at ayun, may mura. Kung walang mura at siya lang nagbebenta pero di naman mahal, bili na din. hahaha Natatawa nga ko sa ibang nagbebenta, nakadrugs ata, sobrang mahal. Parang tanga lang. Pero yun di naman mauubusan ng supply at yes, brand new! Kaya yun selection talagang panalo.

Ang huli at ang pinaka matindi eh laging sale at may mga discount pa! I mean, mura na nga yun presyo tapos pag sale pa, may mga discount at voucher! Gaya na lang yun last purchase ko, kung walang discount, aabot ng 8100 or 8300 siguro. Pero dahil sale, at may pavoucher pa, ayun 7400 na lang. 700 less tapos magaantay ka na lang sa bahay. hehe Ang technique lang naman dito eh payday, holiday at self imposed sale nila. Pero kahit walang sale, yun presyo naman, mababa kaysa sa mall or ibang shops. Kahit sabihan mo, 500 or 300 lang deperensya, at least nasa bahay ako, darating na lang bukas o makalawa, di pa ko natrapik o mapagastos pa. hehe Kaya very very panalo yun pricing nila dito. Grabe, kala ko keyboard and mouse lang bibilhin ko, kamote napadami. bwahahahaha

I think they were able to achieve to stop Amazon going here. Or kahit Newegg. With their assertiveness and great pricing strategy, I think they succeeded very well on having this online shopping here. I just hope na magtagal sila at yun products availability mapalawig pa nila.

There is some warning though, Amazon and Newegg are doing something. Interesting. =)

Pero for now, thanks Lazada for easy but fun shopping experience. Sana may rewards points kayo or something for long time shoppers!!!!!

Lazada, taga ubos ng pera. =P

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s