broken lines (collection 81)

Ganito noon..
Piso lang ang isang yelo!
Ganito ngayon..
Tatlong piso na pala..

Ganito noon..
Pinaguusapan lang namin paano magaral, pumasa at gimik!
Ganito ngayon..
Napaguusapan na may mga anak, trabaho, utang at iba pa, matanda na kami!

Ganito noon..
Eat Bulaga lang pinapanood sa tanghali..
Ganito ngayon..
Eat Bulaga pa din, pero nakahanap ng katapat, Showtime. hehe

Ganito noon..
Maraming bata nasa labas, naglalaro at nakilala maraming kalaro..
Ganito ngayon..
Halos walang bata sa labas, nasa computer shop o laro masyado sa gadgets.

Ganito noon..
Madali lang magcommute, mura ang jeep at higit sa lahat, walang trapik!
Ganito ngayon..
Alam nyo naman, mahirap magcommute, yun EDSA kala mo may prosisyon lagi, MRT walang kwenta at higit sa lahat, trapik na walastik!

Ganito noon..
Akala ko ang buhay eh madali basta sundin mo ang sinabi nila at makibagay sa ibang tao din.
Ganito ngayon..
Ang buhay pala eh mahirap kasi ang dapat mong gawin ay ang para sayo at sa ibang tao din.

Ganito noon..
Ang buhay eh mahaba, basta alam mo nandiyan lang siya at magsumikap.
Ganito ngayon..
Ang buhay eh napaikli, basta gawin mo kung saan ka masaya at habang nandito ka pa sa mundo. Namnamin ang buhay ng pagmamahal.

Ganito noon..
Noong bata ka, gusto mo makita ang mga idolo mo hanggang sa pagtanda mo!
Ganito ngayon..
Noong matanda ka, ayaw mo makita ang mga idolo mo na di na tumanda sa edad nila. hehe

Ganito noon..
Mas maganda kung ikaw susunod sa mga tinuturo sa iyo.
Ganito ngayon..
Mas maigi pala kung di lang susundin ang mga tinuturo sayo, bagkus, mas mabuti kung may mga bagay na ikaw ang makakaalam at matuto sa sarili mo.

Ganito noon..
Pwede na ang may magandang kang TV at manood ng manood.
Ganito ngayon..
Salamat sa Diyos may computer at internet! Parang di na ako masyado nanood ng TV! hahaha

Ganito noon..
Kaligayahan ay makakamit dahil kung anong mayrun ka at taong nakapaligid sayo..
Ganito ngayon..
Kaligayan pala eh kung ano sinasabi ng sarili mo at para sa ibang tao nakapaligid sayo!

Ganito noon..
Parang ang bagal ng oras, gusto mo na matapos ang araw.
Ganito ngayon..
Parang kay bilis ng oras, minsan gusto mo itigil ang orasan!

Ganito noon..
Ang abilidad at kakayanan mo ang magdadala sayo sa tagumpay.
Ganito ngayon..
Kung sino kilala mo, at ano ang alam mo, at kampante ka sa sarili mo na kaya mo, iyon ang iyong tagumpay.

Ganito noon..
Kay bilis ko pala magsulat gamit ang typewriter.
Ganito ngayon..
Kay bilis ko pa din magsulat gamit ang keyboard.

Ganito noon..
Kala ko wala na ko masusulat pa sa mga susunod na taon.
Ganito ngayon..
Kala ko wala na ko masusulat pa sa mga susunod na taon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.