AULA keyboard and mouse 2016 RGB

Nakakailan Keyboard and mouse combo na ko sa computer desktop ko. Kahit CDR king pinatos ko na kasi mura at malapit lang sa min. Kaso pag tagal, wala din, parang mga six months lang. Nasubukan ko na din yun wireless keyboard and mouse, sobrang astig tignan pero pag gagamitin, di consistent. Ang panget, lalong lalo na sa gaming. Yun tipong sa dota, napindot mo na pero sa game di nangyari! Ayos, first blood ako. hahaha

Peste talaga kaya nagresearch ako ano ba gaming keyboard and mouse. Ano ba difference niya sa standard at sa gaming ngayon. Sa tagal ko nagresearch at siyempre budget din, eh napunta ako sa Lazada. Ang mahal pala ng mga keyboard at mouse na pang gaming, may iba na umaabot na 8 or 9k, keyboard lang na high end. Yun mouse na umaabot na 6k! haha Tapos may type pa pala yun gaming keyboard na mechanical at yun semi. Geez, katakot. Kaso siyempre, dun na tayo sa budget. Nakakatawa nga, bago ko nabuo yun blue ryzen ko eh eto muna nabili ko kasi nagamit ko naman sa dating ko computer. Lalo na ehem, naglalaro ako sa para na din sa pagtype ko ng mga blog and other tools.

Medyo matagal ko hinintay tong order ko pero sa presyong 1200 tapos maganda naman reviews, eh umorder na ko. 3 weeks passed at eto na, wow, parang tanke! hahaha 10 months na siya ngayon at parang yun bago ko siyang bili pa din last year. Very responsive at bonus RGB. Nakakatuwa pa, may mga shortcuts siya na nagagamit ko na gaya ng calculator or yun volume ng pc or iba pang shortcut. Yun RGB, di mo macontrol, so parang rainbow siya lagi. Magandang siya tignan pag gabi. hahaha Panget lang sa keyboard, minsan yun alt key or ctrl key di kumakagat agad. Yun caps lock minsan, di umiilaw yun indicator, kaya reset ginagawa ko or plug and play. Pero sa performance ng keyboard, grabe, ang bilis, lalo na pag games, talagang agad agad, ang response. Yun tipong sa dota, pag pindot mo ng Q, eh gagawin agad yun pinapagawa mo. hehe

Sa mouse naman, Wow! May kasamang magandang mouse pad, at masasabi ko, gaming mouse siya. Yun right click at left click panalo. Si Gerro gasgas un mouse kasi FPS pa naman nilalaro pero ayun hanggang ngayon, buhay pa. hahaha Yun scroll nya panalo, walang delay halos di gaya ng mouse, lalo na logitech na standard o yun wireless, minsan di sumusunod yun scroll eh. Yun extra buttons, gumagana naman, kaso di ko nagagamit, like yun back saka yun forward buttons para sa web browsing. Yun sensitive setting eh sobrang taas, kaya ingat sa setting. hahaha Yun Ilaw niya kahit di mo naadjust eh magandang tignan pa din. Saya. hehe Ang pinakamagandang feature niya, yun grip. Rubber sa gilid kaya pag bakbakan na sa online games or feature games, kahit may hawak kang drinks, di siya nagiiba ng texture kasi halo rubber at magandang plastic. Panget lang sa mouse, yun malaki siya, pang right hand siya at yun may mga lettering sa gitna na sana wala. hahaha

Overall, sobrang sulit yun 1200 na binayad ko. Kaso ngayon ata 1900 na siya, hintayin niyo ulit ang december para magmura. hahaha Pero kahit 1900, sobrang sulit! Matibay na keyboard, ayos na mouse at yun libreng mouse pad.

Well, pag may pera na eh papalit ulilt ako, pero syempre yun ibang brand na. At may naisip na din ako diyan.

Sa ngayon, grabe, sarap magtype dito at gamitin yun mouse sa laro. Low maintenance pa. hahaha

Oo nga pala, yun design ng keyboard, parang may palm rest kaya ayos to. Kung may pera ka extra, at sa bahay lang naman, I really suggest getting a gaming keyboard. Wala na yun business keyboard, kasi lahat ng manufacturers ng peripherals nakita yun market ng gaming sobrang laki na kaya..

Gaming keyboard at mouse ka na. that’s it!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s