SEABA: Intramurals of Basketball games in SEA region

Tama, tinapa naman. Kaya di na ko nanood nito ng mahaba kasi nung tinitignan ko yun short scenes at iba pa, parang bang sa HS intrams. Parang yun section ko dati, semi cream kami pero pag dating sa sports, parang cream section kami. hahaha Partida, yun basketball team namin pang intrams, di pa sinama yun varsity players na classmates namin, malakas pa din.

Sa SEABA, oo lahat ng pros sinama na kasi kailangan eh. Overkill talaga, kasi home and away format na. Ewan ko ba kasi sa FIBA na feeling gusto tapatan yun FIFA, kesyo may potential daw talunin yun basketball yun soccer as global sport. Edi gayahin natin ang world cup. Hay, mali sila dun. Anyway, sa susunod na lang na post yun.

Sa totoo lang, di ko pa magauge yun lakas ng Gilas kasi SEA lang kalaban natin. Gusto makita yun team na yan sa Asia Cup. Yun tipong ang Iran eh nangangamote na sa atin at yun China sa totoong basketball game na walang tulong galing sa.. ehem. hehe Eh kaya natin talunin, dun na ko maniniwala na the best itong Gilas team natin at pang World Cup or sana Olympics ang caliber.

Sa lahat ng balita or even MOA ng PBA at SBP na narinig ko, isa lang ang tumama para sa kin, yun line up. Tama ginawa ni coach Chot na in the long run na line up. Ito yun line up tipo may magretire o di pwede, eh medyo kaunting adjustment na lang gagawin at maghanap ng ilalagay na player. Siguro ang player na parang nakulangan ako eh si Junemar. Parang di siya gamit masyado, at di ko alam kung makakatulong sa kanya na di siya babad. Wag naman sobrang babad pero yun tama lang, yun kung baga babad siya ng ilang quarter at nakatambak na, dun na siya uupo. Parang sa Indonesia ata lang siya ganun pero ang kumana si Blatche. Sana may plans na siya ang first option para masanay lang siya sa FIBA stage. Yun mga ibang dinagdag sa line ayos! Gusto ko yun Jalalon, Wright, Pugoy tapos si Malicsi. UST kasi. hahaha Ah kung di pwede si Lassiter, pwede na si Malicsi kapalit. Pero kung pwede si Lassiter, aba siyempre ipasok na siya sa line up.

Sa Naturalized, eto lang yan. Dapat talaga maghanap na tayo na pwede pamalit kay Blatche. Marami pwede, yun Greg Smith tapos yun Stephenson pwede na kung center na defense na kailangan natin. May opensa din sila kaso tanggappin na natin limited. hehe . Sa Alaska din pwede na yun, kaso 4 ang laro. Pero sana makuha si Slaughter para masanay na tayo pinoy yun frontcourt natin. Kung pwede talaga, kahit import na lang si Clarkson. Isipin natin kung malakas na siya sa NBA at di naman siya buwakaw, di lang masyado ok sa depensa, pwedeng pwede na yan!

Mabuti pala di naturalized si McGee. hahahaha Kahit sino sa Lopez twins, pwede na natin naturalized. Yun lang naman. So kung may Slaughter, si Blatche 4 or yun ibang import na dapat 4 ang laro tapos kahit sino na backcourt natin. Kung ibang import, at di pwede si Slaughter, eh malakas pa din tayo at para insurance, sana si Clarkson.

Ito yun line up ko, regardless kung eligible or ineligible.

Chris Ross
Stanley Pringle
Calvin Abueva
Matthew Wright
Troy Rosario
June Mar Fajardo
Marcio Lassiter
Japeth Aguilar
Raymond Almazan
Jayson Castro
Jordan Clarkson
Blatche/or any Naturalized Player who can play 4 or 5

Isipin mo yun Chris Ross at Abueva para sa depensa, grabe, kahit sino sa Asia masisira ang rhythm. hahaha Lalo pag ginanahan magshoot si Ross, patay na lahat ng kalaban sa Asia. Gusto ko kay Ross, parang Conley ng MEM yun nga lang, di consistent sa shooting. Pero as PG, si Ross, pwedeng pwede. Si Pringle, sayang kung may passport lang siya na pinoy. Grabe, zone buster, lalo pag uminit, kahit yun mga Euro guards, medyo kaya nya. Nakita mo naman built nya. Di ko na nilagay si Slaughter coz of health consistency. Almazan na lang. Kahit patpatin, di uurong saka may tira sa labas.
Si Clarkson mismatch sa 1-2-3, parang Norwood na mas matindi sa offense. hehe

Ok malamang di pwede si Ross, Pringle or Lassiter. Pwede na yun Jalalon, Romeo (pero shooting guard most of the time), Pugoy na lang. hehe Yun kay Lassiter, si Wright na lang bahala. Jalalon, nung nakita ko siya sa Arellano pa lang, steady at pag crunch time, all out. Grabe, may shooting siya kahit papano at magaling sa set up. Si Thompson sana kaso di naman siya shooter, baka pabayaan lang siya patirahin. Saka may Abueva na tayo. Siguro pag di pwede si Abueva, sige Thompson.

Maganda na yun program ng SBP kaya sana supportahan natin at alam ko, pag walang problema sa mga teams at lalo na ehem sa PBA na may kume na.. Hay. hehe

Mananaig ang PUSO!

Can’t wait sa Asia Cup!!!

Ah may SEA games pa pala, baka kahit BGK na lang padala o yun DLSU team o yun PBA D League champion team, pwede na yan. hehehe

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s