broken lines (collection 76)

Galing shift!

magulo ang buhok, parang stressed..
galing shift!

Nakaporma parang galing mall pero naglalakad ng mga 7am!
galing shift!

Nakaheadset at nagmamadali umuwi, kahit taxi sakay na agad.
galing shift!

Sa taas ng araw, ang daming naglalakad palabas ng building, at pauwi..
galing shift!

Naka long sleeves, uuwi, sasakay ng FX at inaantok?
galing shift!

Si ate, naka porma parang model ang peg, matching model walk din tapos magcommute..
galing shift!

Nagmamadaling umuwi at yosi ng yosi.. Sobrang bugnuntin?
galing shift!

sabay sabay sumakay sa jeep, isang grupo, di pa din tigil sa kakachika kahit parang rinig mo isang team lang sila.
galing shift!

bumili ng makakain sa convenient store! kumakain sa mga fast food suot pa yun id lace! dala dala ang libreng pizza galing sa opisina!
galing shift!

puno ang convenient store, mga inuman na kainan, restaurant at kahit yun karenderia o jolly jeep ng mga 7am!
galing shift!

nagwawasakan, nag hahanap ng trip, nagbabasag na ng mga bote ng beer. Nagsisigawan na sa inuman!
galing shift!

nakabihis para sa outing, nakashades na lahat, sabik na umalis ng opisina, ng mga oras ng almusal!
galing shift!

groggy na, sa pagod, sa kakasagot o kakatrabaho sa oras na dapat nagaalmusal muna.
galing shift!

natutulog ng 8am at wala na paki sa mga nangyayari sa labas.. O kahit sa kanya.
galing shift!

Hirap talaga pag night shift no?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s