Pagsisi

Sapagkat ako’y maluwag sa aking puso at isip na hindi ako magpapatalo sa kasalanan..

Kaso hindi siya ganun gadali. Lalo na kung kaw sumusunod bilang isang Katoliko. Marami kang iniisip kung tama o mali ang aking ginagawa. At lalo maraming kang susundin dahil sa pananampalataya.

Pero sa mga nagdaan na taon kasama na itong Semana Santa, napagtanto ko na dapat di lang sa pagsunod sa mga direksyon sabi ng simbahan o kahit sa Bibliya, kung hindi.. Ang pag sunod sa pagmamahal ginawa ni Hesus! Kahit simple pero ito’y napakahirap.

Tila sa sobrang pagalala ko kung ako’y sumusunod sa tama at kung naisasabuhay ko ng mabuti ang mga turo.. Parang lalo ako nahihirapan sa aking sarili, bagkus may pagkakataon na ako’y nakakagawa ng kasalanan na paulit ulit..

Naramdaman ko na masyado pinapahirapan ang sarili ko at di ko alam kung sino ang aking pinapasaya, ang Diyos lang ba, ako, o kahit ang ibang tao.

Ang mga pasakit na to sa sarili ko ay napagaan dahil sa isang kommunidad. At dahil sa kanila, naiba ang pananaw ko sa pananampalataya ako. At lalong napatibay ang aking pagkapit sa pananampalataya na to. Malaking bagay ang kanilang pagtanggap sa akin at mga namamahala eh tao din. Ibig ko sabihin, kahit sila ay mukhang malayo pero sa kanilang ginagawa at mga naranasan nila sa buhay eh sila ay kaparehas din ng mga miyembro. Yun nga lang, iba na estado nila di ba? hehe

Kahit ganun pa man, marami ako naranasan at natutunan kung paano maglinkod sa Diyos at lalo na sa ibang tao. Nakatulong din para makakilala ang sarili ko at ibang gusto ko at kaya kong gawin.
Pero di lahat eh maganda ang nangyari sa kin. Masasabi ko mas marami masama nangyari sa akin, nawala mga bagay na kailangan ko. Mga pagkatataon na kala ko ikakabuti sa kin, mga bagong problema dumating sa kin at nawala pa ang kapatid ko.. At idagdag pa yun lagi kong problema sa pamilya ko, nasabi ko na bakit nangyayari sa kin to? Bakit ba?!!

Pero di ako sumuko at alam ko, kahit ganito nangyari sa kin, alam ko nasa tabi lang ang aking kaibigan… =)

Pagsisi ko lang siguro, eh sana naintindihan ko siya nang matagal na panahon.

Kahit ako’y magkamali, madapa o kahit magkasala, si Hesus ang aking sandalan..
Ika nga sabi nun isang pari, ang iyong puso iangat mo sa kanya at ikaw ay papalarin, mamahalin ng walang kapantay. Di ka nagiisa..

Tama siya. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s