A year with G3

Lintek na G3 to, mukhang malapit na siya mapabigay sa kapatid ko ha. hehe Pero bago mangyari yun eh let’s do a short recap ha. Or long recap whatever. hehe
Ok, despite the bootloop issue I had but luckily nangyari yun within warranty, ok na lahat! Like sa sinabi ko sa review here… https://reyes2alfred.wordpress.com/2016/06/23/giant-great-grand/

eh dito ko narealize na maganda pala yun camera nya. Tapos yun android naupgrade pa to Marshmallow, na ok na ok sa kin. Yun sounds, eh talagang malakas, at sa in ear din!!! Pero wag lang sagad yun lakas. hehe Gumagamit na ko ng bluetooth speaker kasi parang malakas sa batt pag yun speaker niya ginagamit. Kaya yun phone ngayon, single bottom firing speaker lang eh..

Alam kasi nila, malamang bili ka na lang na magandang bluetooth speaker. Ang importante sa lahat, eh yun QHD na parang hanggang ngayon, eh kaya nya tapatan yun mga flagships.. Clear at crisp lalo na pagnanood na ng JA este, MKV files. bwahahaha Grabe, kaya nagdadalawang isip ako sa mate 9. Yun screen talaga, kung lilipat ako QHD na dapat. Pero baka pagbigyan ko yun mate 9 kasi nakakagulat yun FHD panel nya, parang sa ibang angle, semi QHD siya. At matagal pa ang battery.

Eto lang napansin ko sa G3 na sobrang kinaaasar ko.. Grabe yun battery, parang metro! Anak ng tinapa, parang ilan oras lang ubos na batt ko. Parang sarap na sarap ka sa kapapanood tapos mabibitin ka lang kasi paubos na yun batt. Bad trip! Kahit yun 10500mah na powerbank ko walang nangyari. hehe Parang 1 or 2 araw ubos din. Kaya minsan bad trip at parang gusto ko magiba ng phone at FHD na lang. hehe

Masasabi ko na di siya sulit kung bibilhin mo siya brand new kasi maganda tignan parang di pwede gamitin na walang case. Pero pag nakuha mo siya na mababa or sabihin na natin nagmura, sulit na sulit! Kakatuwa nga na upgrade pa yun OS nung isang araw, matagal ko nadownload at naging ok naman.. Nilagay ko na din nung uso ngayon na ring. Mas maganda ata yun spigen ring kasi mas stable. Eto cheap, eh cheap lang talaga. hahaha

Sa mga performance ng phone, grabe, wala ako problema sa memory at sa sobrang reliant na ko sa multitasking gaya ng qslide, eh nagagamit ko siya bigla! Pagtagal eh yun OS nya medyo bumagal lalo na pag web browsing pero ok naman sa ngayon standards.

Grabe yun presyo niya ngayon, 50% na lang nun price na binili ko siya last year.. Pero masasabi ko kahit ganun eh sulit na sulit pa din! Saka yun dating nya kahit walang case, kung metal lang siya or gaya ng G6 ngayon… Di ko na siya bibitawan. hehe

Mabuti na lang di ko kumuha ng G5. hehe Pero G6 na may quad dac, mukhang yun ang gusto ko phone. Kaso mahal na mahal pa. hahaha V20, hay.. Malamang siya kaso yun battery di ko sure kung talagang, tatagal kahit kaunti. Basta kung mas matagal pa sa G3, why not? hahaha Mate 9 eh sana QHD at maganda sounds, kaso well.. Mukhang di ganun. Parang nagiisip pa ko para sa Mate 10. Pero yun gusto ko din na Honor V9 or V8 pro! Kaso ang problema eh hirap bumili. At matagagalan pa ang pag dating dito.

Salamat sa LG G3 parang nagbago yun inisip ko sa smartphone. At alam ko yun gusto ko sa phone. Di naman sobrang high end na, basta yun mga features na gusto ko ba. Sounds, QHD at android nougat na. hehe Saka iba yun dating. Ok lang na makapal ng phone basta matibay o manipis pero maganda ilabas di ba?

I’ll miss this phone. Whatever happens.

Kaya maganda, ibigay na lang kay Gerro.
hehe I hope the phone will last.

A bit more time. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s