Eye of the Beholder

Sa tingin ko maiksi lang ito. Kahit masarap magtype dito sa laptop na to, eh nakakatawa, wala naman ako masabi sa nakikita ko dito.

Ika nga, namiss ko na yun desktop ko. Wala naman dito. Kapapanood ko lang noon game 6 ng SMB at TNT. Kakaasar, pwede naman matapos, nasilat pa! Mukhang papasok pa ata yun SMB sa finals. Ngayon naman, pinapanood ko etong ABL. Mukhang maayos pala dito, kakainteres paano maglaro yun ibang ASEAN teams. Yun Alab naman, basta kaya pa ni Ray Parks Jr., mananalo tayo! hahaha

Tinitignan ko yun wallpaper ng laptop ko, paiba iba. Pero ang nakakbwisit eh etong windows 8. Ang hirap, kailangan ikaw adjust. Bwisit. hehe Sumakit katawan ko ngayon araw na to kasi kahapon, etong si Algerro nagpabili ng 4lbs na dumbell, buhat buhat ko habang naglalakad sa SM/Trinoma, bwisit ang bigat. hahaha Tapos nag grocery pa di ba. Pag gising ko kaninang umaga, ayun na.

Bukas eh, malalaman ko na kung matutuloy na plano ko. Pero gusto ko na matuloy, di lang naman para sa kin kapakinabangan pero para naman sa pamilya pag tagal di ba? Ano ba masama dun?

Dapat tigilan ko na yun matagal sa G3 ko. Kakakaadik. hehe Kakatawa, yun blower ng laptop na to eh yun electric na binili ko dati pa sa SM supermarket. Malakas pa din siya ha.

Sulit na sulit etong webcam ko at headset na ginagamit ko sa pangturo. Pero yun headset ko, pwede na palitan pag nasira pa ulit ang ear muffs. Napagamit ko tuloy yun souvenir ko sa CVG. Yun webcam ko, sulit din. Di pa naman ako binibigo at logitech eh. Pero sana sa dynaquest na lang ako bumili, napakamura! hahaha

Naisip ko, baka pagtagal kailangan ko din ng laptop. Pero madali naman yun, mas madali magisip ng laptop kaysa sa desktop. hehe

Ano pa ba, siguro yun lang naman nakikita ko. Ah yun cabinet namin sa harap ko, mas matanda pa sakin, nabasag na yun isang salamin, pero nandito pa din.

Mas tatagal pa ata sa kin to..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s