What if..

(Philippines is a communist country)

Pagkatapos ang pagpanaw ni Fidel Castro, malamang kahit wala naman epekto masyado eh yun ang ebidensya na di talaga kaya ang komunista, or socialist country. Siguro ang natitira na lang eh China, dahil sa style ng government nia. North Korea para naman wala silang choice. Ah siyempre ang Cuba pala na para naman walang threat. Di ko na alam yun iba. Sorry, mahina sa History. haha

Naisip ko kung paano pag ang NPA eh naging central government nating? Paano kaya tayo? Mas uunlad ba tayo di kagaya ngayon? O mas mahihirapan tayo?
Mahirap magisip ng scenario pero kung si Aquino o Marcos for example lang eh grand leader or President natin.

Malamang sa malamang, kangkungan tayo. Malamang sa malamang, laging civil war ang dating natin. Magulo, at higit sa lahat, parang sobrang sila lang ang makikinabang. Malamang walang Sy, Ayala o Tan ang mga mayayaman. Isang pamilya lang lang mayaman. Magaling.

Kawawa naman tayo. Parang naisip ko kung parang North Korea tayo, magpakamatay na lang ako. hehe Mahirap tumakas eh, ang layo ng Sabah, lalo naman ang SG or HK. Taiwan o Japan? Lalanguyin mo? hahaha Yun mga pulis, mas magiging corrupt, idagdag mo pa yun mga pulitiko. Oo nga pala, mabuti sa komunista, walang kilalalang apelyido. Isang pamiya lang ang kilala di ba? So, walang private army, NPA lang at bawal mangurakot, isa lang. hahaha

Pwede naman style China, mas masaya di ba? Government communist pero yun economy style capitalist. Kaso mas maganda pero parang censored lagi. Alam nyo naman sa China, di siya free speech. At malamang di tayo papayag. Pero kung isipin nyo ganun nga, siguro araw araw rally kung pwede. hehehe Mga balita natin puro fake o palihis na mga balita. Siguro, isa lang dyaryo natin. May mga mayayaman pero di sila tutulong, or what more, for Social causes na lang.

Malamang baka pagdating sa religion, parang Cuba di ba? Ok lang christian wag lang ibang religion. Sabagay ganun din sa China.

Tahimik pero parang kulong ka. Yun ang nararamdaman ko sa Communist Philippines. I think, lahat ng films parang MMFF na dati. Puro comedy na lang. Enteng and Vice every year? Kidding me right? hahaha For the whole year. Or how about mga pelikulang same story and lines. Oh Geez.

Ang problema kasi sa communist, dahil social equality eh bawal naman ang free speech o liberty of ideas. Susunod na lang tayo sa government? Parang unfair di ba?
Di naman panget lahat sa socialist, malamang ang defense natin malakas, lalo tayo lalakas kasi mga kaalyado natin di ba? Wow. hahaha

Pero yun democratic process at liberal thinking, at free wheeling economy.. At tamang governance.. Yun ang tunay na magaling na nayon. Kung baga, tama at malayang bansa. Kung komunista tayo, baka bumangon mula sa libingan yun mga bayani natin di ba?

Ang kulang lang naman sa atin yun tamang cultura ng pagmamahala sa bayan natin. Kung tama lang lagi asal natin, at lalo na sa mga gobyerno.. Aba malamang napakaunlad natin.

Kaso wala eh.. Kahit anong istilo ng gobyerno natin o ekonomiya natin, kung ang asal natin eh pabaya simula sa pamilya hanggang sa presidente natin..

Hanggang dito na lang tayo.

Kahit anong klase gobyerno..

Magsimula tayo sa ating puso.

Ang mabuti para sa nakakarami.

Naisip ko nga paano pag monarchy, Haring Digong?

Di bagay. hahaha

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s