flashbacks: CVG

Akalain mo 7 months na ko wala sa kanila. hahaha At yes, first and last time I admitted that I worked for them. One of the first companies I first applied before, I remembered sa may insular life pa yun exam nila. Pero after that, di naman ako umabot sa interview.

After working to a lot of companies at siyempre sa kanilang great location dito sa QC, eh eto na.. Pag ka first interview, tapos battery of exams at final interview and screening, ilan oras lang, may work na ko. hahaha Morning shift at near at my house, isang jeep lang, ayos na.

Hmmmm ok, ano yun mga maganda dito sa site na CVG na to. Surprisingly, marami. hehehe Una yun lokasyon, grabe, parang once or twice lang ako nalate sa buong stay ko dito! At may mga times na sobrang katams na pero dahil malapit, ayun pasok pa din. hahaha At record, may time ako na 13 days straight ako pumasok dahil na hayok ako sa OT. Grabe, isang jeep lang kailangan, kahit anong oras, makakapasok ka. Pero mabuti di ko naabutan yun matinding trapik sa quezon ave ngayon. hehe Pero grabe, yun location convenient. Dahil din dyan, napapadalas ang SM/Trinoma combo pag payday outing. hahaha!

Pangalawa, wow, second best site pagdating sa tulugan. Facilities, maayos at masaya. Grabe yun sleeping quarters, parang nagbigay pa ng idea ng lazy boy na lang kailangan ko kama. hahaha Una’t huli na ata ako makakakita na may sariling Mini Stop sa pantry. Anak ng tinapa, yun fave ko kombini. hahaha Di ako nagsawa sa chillz, uncle johns at iba pa. At mantakin mo, mas mura pa ng 5 piso! May time na pauwi na ko at may nadaanan na ko mini stop sa baba, bumalik pa ko ulit sa taas para bumili sa Mini Stop. Mura eh, at may promos pa sila na wala sa labas. Saka dito, 5 mins na lang? Aabot pre. hahaha Di ka malalate. Dahil may! Pre shift meeting!

Pangatlo, HR and payroll. Well, dahil I like yun biweekly talaga, the best pay system eh. Saka yun lagi ko gusto na una payslip bago yun pera. Simple lang yun pero laking tulong sa kin. Saka tama naman yun estimate ko. Unlike yun iba na reklamo eh, di naman naestimate ang sweldo. Yun HR naman accessible saka pag may papeles, ibibigay naman agad. Sa dami naman nasikaso naman agad. Ah nakalimutan ko, daming pamigay tshirt, gamit, notebook, well thanks to client na din. hehe

Pangapat, incentives from client. I mean, holy crap, di ako motivated sa CSAT at FCR na tumaas score ko pero nagawa ko at mantakin mo may bonus pa from Telstra! hehe Talagang laki tulong at sulit ang pagod. Mabuti nga sinabi ni TL eh wag na masyado magpagod sa OT kung kaya itodo sa stats. hahaha Saka daming events, pamigay tshirt, pakain, libre ganito at ganyan. Bonus incentive kahit maliit. Aba ayos ha.

Pangliwa, people. Yes, not the working environment, kasi stressful lalo na at the tech side. I can’t believe I was able to know SOM then OM tapos yun TL ko maloko pero magaling. hehe Tapos yun team mates mo na magaling din at siyempre ibang team din. Kala ko sa una, masusungit sila pero pagtagal maasahan mo pala, lalo na sa mga ninja moves. hahahaha Lalo na pag may kalaban ka sa ibang dept, ireport sa TL nga!

Last but not the least, I was recognized for my efforts. I mean, never ko inexpect maoffer ako na maganda. I mean future position di ba. I perform to survive and help the team lang lagi sa isip ko saka tantsado ko naman kikitain ko di ba? Pero my performance went beyond that at offered na ko sure SME eh. hahaha Kahit yun performance ko borderline sa great eh, first time kasi. Kaya sobrang tuwa lang. Dun ko naranasan even in the short time, mag SME. Support at classroom turo which surprisingly, nagagawa ko until today sa teaching.

I forgot, siyempre yun first and maybe the last time na nagtech account. Masaya ang tech, I can say, mas ok pala dito kaysa sa customer service! Saka prepaid din, kaso may pagkabilling yun prepaid eh pero walang complicated explanation. Ayos yun split ko at stress lang pag wala na kami magawa sa customer at magsumbong kay TIO. hahaha

2 reasons lang ang nakikita ko bakit di sila like top of my list. Una, health benefits were not good. Parang yun check up and other stuff, ako nagbayad kahit mga 5-6 months na ko sa kanila. Bwisit! hahaha I don’t know how you will use the health card thing. One of the worst.

Last reason? The hardest plotting of VL and SL. Dude, record ako dito na umabsent ako, half day. That’s it. Di ako nakapagSL. Nakauwi ako kasi may Vertigo na talaga ako, which I discovered it first time sa buhay ko. Grabe, after noon umuwi ako, pahinga lang then next day pasok ulit, dinaan ko sa gamit. Surprisingly, kahit marami ako naOT at ano trabaho, wow, di ako nagkasakit ng matindi unlike other centers I worked for. But it’s dangerous.
May isa ako kateam mate na may bato na sa gall bladder at nagtataka ako bakit ayaw paSL… Yun pala, it’s either resignation or stay still or get like 3 days SL lang. Operation yun!!! You can’t be healed in 3-5 days! Sabi ko baka sa higher ops lang to. Or dito lang sa site na to. Naku maraming ganito case, may isa pa, ka SME ko, parang may grabe siyang sakit, nagulat ako pumasok at nagsign pala ng waiver sa emergency room na di siya nagpa admit. Aba matindi sabi ko.

Well, I heard from other sites, not CVG eh mukhang ganun din ang siste, worse, AWOL na pagbalik mo. Hmmmmmm mukhang may directive sila na factory style to ha. Sweat shop?
That’s outrageous. I mean mabuti pala nakaalis na ko lalo’t well may mga nangyari after some months to me that if I asked to take my VL or SL, it won’t happen.

Filling of VL sucks, uminit ang dugo nung sinabi ng workforce na sino na lang po nauna yun na po yun. Wala na kami magagawa. Wow, only few can leave?! Kidding me right? That’s like Karōshi. Search it and you’ll know it.

Yun lang. It’s not all bad naman sa kanila, so sayang lang na di ko lang napromote pero for now, di ko pinagsisihan yun. I enjoyed my time and sana kung natagal ko lang ng 1 and half, marami pang bonus yun. hehe
I can say that it depends sa site na work mo sa CVG, ok naman. Lalo na yun location ko, sobrang laking tulong at di ako masyado nastress. I left naman for various reasons and now, this might be the last BPO company that I worked with.
If I come back, maybe in a different company, way different than this one.
Or with the pace I’m working it now, a big chance that I’ll be on my own.
I forgot my last call. Hmmm
Have a good day ahead! Bye!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s