flashbacks: pcnetmiles

Kung buenas ako this year, eh baka may kapalit na ang aking iron maiden desktop computer. So malamang, nagplaplano na ko in advance.

Malamang titingin na ko ng computer parts at iba pa.. Siyempre estimate ang budget. hehehe Eh pagkatapos nun, malamang iisipin ko na ang supplier ko lagi.

Kaso pagtingin ko sa tipidpc.com, pcnetmiles ang username… Wala na! Anak ng tinapa! Bakit!?

Hay balikan natin kung paano ko sila nakilala. Parang matagal na silang retailer ng computer parts. Eh noong naghahanap ako ng bibilhan, nahanap ko yun tipidpc.com, na pwede iaccess pa noong nagtratrabaho ako sa 24/7. hehe Eh nakita ko tong pcnetmiles at may nagrefer pa so ayun na.

Gamit ang aking SSS loan at siyempre budgeting eh awa ng Diyos, nakabili na ko sa kanila. Yun bundle promo pa nila ng i5 3330, tapos dagdag vc at iba pa. At ang masarap pa, malapit sa min. Isang jeep lang. hahaha

Eh yun, after 3 days, nagawa na nila yun build at nadeliver pa sa bahay ko. Yun una di pa nag on pero mali pala ako ng saksak. haha

Tapos siyempre tinapos ko na rig ko, grabe, lahat ng items na hinanap ko sa net mayrun agad sila. Except lang sa murang speakers, pero Pioneer naman yun. Saka grabe yun binili kong case at PSU, sila na nagkabit at nasurvive sa bagyong Glenda! hahaha

Kaya ayun, except lang sa WD mybook 2tb, at ibang kaunting IT items, yun major ones, dito ko na binili. Parang dalawang palit ata ako ng router sa kanila ko din binili. hehe

So ganun, mga ilan years din, then ang huli bili dahil sira na ang aking HDD, agad ako tumawag sa kanila para palitan at ayun. Napalitan yun HDD kahit di WD. Seagate ang binigay nila at free delivery kahit ang shop na nila natira eh sa Gilmore pa.

Tapos months later, at parang nawala na yun items sa tipidpc.com. Kala ko may mali pero habang tumagal parang totoo na. Wala na pcnetmiles!

Di ko alam kung naanticipate ko to. Pero siguro may signs na din. Dati kasi apat major branches nila. Alabang, QC, Cyberpod sa may ETON na nakita ko dati at yun huli, Gilmore.

Patagal, nawala yun Alabang, tapos yun ETON, at nagulat ako nauna yun malapit sa amin at ayun na, wala na sila. Agad agad talaga. Walang pasabi oh advise. Minsan nung tumawag ako sa number nila, wala naman sumasagot.

Hmmmm ang alam ko dati parang nagyaya pa yun may ari, nakalimutan ko lang ano pangalan niya pero gusto niya parang partner sa bagong branch.

Pero after noon, wala na ibang signs eh. Kahit yun sa qc branch, computer shop na lang saka car wash. At recently, tinignan ko yun pcnetmiles sa tipidpc, ayun, isa sa mga suppliers niya, kinasuhan na siya ng estafa.

So sad.. =(

Mamiss ko yun una, kumpleto ang items at madaling kausap. Gaya yun unang rig ko. Tinanong ko kung pwede pag check tapos 3 days ibuild na nila. Ayun ok na.
Service talaga yun panalo sa kanila. Pag may di mo alam kung ok yun part sa ikakabit mo, sila pa magsasabi na di bagay. At magrecommend pa sila!
Saka un gusto ko gaya yun pagkabit nila ng housing at PSU with 3 fans, ok lang sa kanila at maayos! Kaya yun.. customer service talaga at masarap magtanong ng mga price.

Yun price din, di hamak na mas mura sila. Malamang bago ko bumili, eh tumingin na ko sa iba. Grabe, mas mura talaga sila.
Sayang talaga. Feeling ko may mali sila ginagawa sa pera. I mean, di ko masabi pero siguro sobra sa stock o gipit sa cash ops at iba pa. Siguro napaaaga yun pagdami ng branch nila. Kaya sa tingin ko dun pa lang parang may mali na.

Hay… Ah naalala ko, yun computer ni Dad sa office, sa kanila ko binili, grabe, wala pa ko tulog noong bumili ako sa kanila. hahaha Paano galing shift ata ako noon.
Eh sayang talaga. Kaya eto ngayon, sa iba ako hahanap. At may mga kapalit naman sa tingin ko. Kaso iba talaga sa kanila, panibagong paghahanap kung baga. Dami siguro nadismaya kagaya ko, lalo na yun mga bago bili sa kanila na may warranty pa!

Sayang talaga, pcnetmiles! Sana kahit maliit na shop na lang kayo kahit malayo pa yan! hahaha

Surely missed. =(

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s