Qubiertos

Etong pesteng restaurant na to eh nakakatrapik sa kanto namin ha. hahaha lalo na pag gabi, di ko alam kung bakit ang dami sasakyan nakaparada sa labas ng resto nila.

Di ko akalain na yun pwesto na yun, dating bahay lang siya eh dadayuhin ng maraming tao. Well, makakain nga. hehe
Pagkatapos ng tatlong kain dun at ilan na din take out eh masasabi ko na kung bakit patok tong restaurant na ito!

Una sa lahat, siyempre, ang lapit! Wala pang 1 minute, nandun na ko. hahaha Minsan pag take out, bayad tapos matutulog muna ako saglit then balik na lang ako. hehe

Pangalawa, laban sa gerry’s at dencio’s or gilligan’s, sobrang sulit dito! At di lang usual pagkain ang serve nila, may unique pang cebu lechon! Grabe.. Masarap yun style nila ng bbq, sisig, dinakdakan at iba pa! Kahit chopsuey, sulit. hahaha Eto yun subukan niyo, pag lunch time hanggang 3pm, may sulit meals sila at matitikman mo yun mga specialty nila na kahit kaunti, sobrang busog! Sulit pa, 150 lang with unli rice. Parang di na nga kailangan eh. hehe

Pangatlo, siyempre, service din! Di naman ibig sabihin na chaka ang service. Aba, consistent sila maparami o mapakaunti ang tao po. Smiling at talagang customer service. Ang ganda pa nung mga plato at baso. Sarap iuwi. haha

Panghuli, hmmmm un place nila. As per business sense, kaya tumagal ito, kasi una sa lahat malamang nag lease sila at di naman effort yun design nila. Kahit di naman bongga, pero ok naman ambiance. Ang style lang naman eh parang sa mga resto sa kapitolyo pasig. So ok naman at mukhang may art kumbaga. Parang nasa magandang bahay ka at maluwag. Yun ambiance pa pang inuman din kasi may part na mahingin o sa labas tapos sa loob di dim yun lights, tama lang. Ayos!!!

Kaya ako naman, sulit talaga dito. Eh di naman kalayuan sa kin. Sayang di pa nasusubukan ng CRAP kumain dito.

Malamang tap out na. hahaha

Ayos sa Qubiertos!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s