Nippon Benkyo: Terebi

Sabi nila boring ang TV industry nila. Iba sabi, nakakasawa na at wala naman bago. Yun iba sabi parang alak, habang tumatagal lalong sumasarap. Yun iba sabi weird.

Edi tignan ko nga. hahahaha Salamat at nakahanap ako ng paraan kung paano talaga TV industry sa japan tumakbo. Ibig ko sabihin, kaysa sa umaasa ako sa CM(commercials), youtube clips, o kahit balita sa iba’t ibang english language na japan website, iba siyempre pag live TV!
Ngayon, sasabihin ko na ang naramdaman ko tungkol sa Terebi ng Japan. Terebi eh television in nihongo. Sa huli ko na lang ilalagay kung paano ko nakita. hehe
Nagsimula yan siyempre sa jdramas at japanese entertainment at youtube uploads. At isama mo pa ang mga balita. Eh sa sobrang gusto ko makita yun TV ng japan, eh nagresearch ako. Walang kwenta cable dito kasi ang makukuha mo lang eh NHK world premium channel. Isang NHK world at yun premium. Wala na ibang japanese channel. Dati sa cablelink, may WOWOW, kaso may nasisingit na JAV eh, kaya wowow talaga. hahaha Yun wala na.

I also found my parang satellite dish pero tv asahi lang ang channel. Mahal pa! Ayoko naman na tv asahi lang. I found another way, sa olx, set up box na kuha lahat ng channels sa ibang bansa, pati daw US. Yun nga lang, chinese fonts. hahahaha Pero mura ha. Di ko lang alam kung totoo eh.

Well, iba talaga ang google, I found a way! Yatta!!!!! Hahaha Free and live! Yun nga lang, laptop or desktop dapat. Di pwede sa mobile. =( Now I can see, NTV, TV asahi, TV tokyo, NHK G (world premium channel), NHK BS channel (way better NHK channel), NHK world, WOWOW live(concerts and events), WOWOW prime (jdramas, anime and us but jap dub dramas, news), WOWOW sports, TBS, Fuji TV, at MBS. Sorry, walang amazon prime japan saka netflix japan, and even the JAV channels masyadong buenas. hahaha

Pagkatapos ko nadiskobre at napanood ng ilan oras… Tama ang sabi nila. At tama din ang hinala ko. Una sa lahat, it met my expectations. Basta naman makita ko lang yun jdramas and other stuff, natuwa naman ako. Kahit may well, nakakadisappoint.

Una maganda sa nippon TV. Siyempre, di na ko kailangan mag abang ng upload sa mga drama sites. hehe alamin ko lang yun sked at memorize ko naman kaya abang na lang sa tamang araw. hahaha Tandaan lang naman na one hour advance ang JST.
Pangawala, siyempre refreshing ang Nippon TV. Compare sa TV shows natin, may budget sila sa set up saka information driven ha. Kung baga halos lahat eh parang news program o talk show. From outsiders view, parang bago information lagi. Saka game shows na nakakatuwa at music shows na makikita mo talent ng mga musicians. Saka very visual ang Japan TV, maraming graphics, words, graphs pa.

Pangatlo, siyempre ang CM’s!!! Kung dati kailangan ko maghintay ng ilang linggo sa youtube ng japanese CM eh dito instant nandyan na. haha As usual may ibang CM na maganda kahit di weird or nakakatuwa, magaling naman pag gawa. Pero may iba talaga, grabe, nakakatawa.
Huli, eh grabe, mas naappreciate ko lalo yun Japan as whole. Sa weather, society, kahit politics, siyempre tao na din. Parang ang sarap pumunta o tumira di lang sa tokyo, kung hindi yun parang malayong prefectures sa Japan. At siyempre, more food!!!! Grabe may iba pang pagkain na di lang usual japanese food makikita mo. Lalo na pagpumupunta sa mga restaurant, cafe or bakery.

Siyempre, eto na ang mga masama sa Japan TV. Di ko akalain ako nashock. hahaha

Una, kahit magaganda yun talk shows or variety shows, pero yun dami ako nakakabuwisit. Grabe, unang show sa umaga talk show, hanggang gumabi na, talk show pa din o news show pero may kasama pa din daldalan. Ang iba pang show, grabe, parang may english topic tapos translate na lang. Kumbaga parang discovery channel show tapos paguusapan lang nila. hehe Bwisit. Ayaw ko din yun may part na makita yun reaction ng mga hosts/guests. Yun parang bilog sa left side. Di ko trip. Bwisit!

Pangalawa, bwisit, bawal chismax sa Japan TV.. Silence is golden kumbaga sa kanila. May chismis pero huli na. So maganda pa ata talaga icheck sa web yun mga chismis tungkol sa mga artista. O kahit sa magazine din. At eto yun nabwibwisit ako. Ok lang yun balita eh pare-pareho sa lahat ng channel, pero di naman ibig sabihin buong araw, yun na lang mapaguusapan di ba? Ibig ko sabihin, gaya sa atin, balita sa tanghali naka news flash lang tapos sa pang gabi na news program dun ulit. Pero sa japan tv eh regular programming sira. Yun mga variety shows at talk shows nagiging isa lalo kung big news flash. Parang matutuloy lang jdrama or SP. Kaya yun. buong araw umay sa big news.

Pangatlo, oh my God, those US shows that are dubbed in Japanese. No offense sa nihongo kasi gusto ko siya pero pag sa US shows, kung baga para ka nanood ng anime. Yun ganun feel, not right. Minsan nakakatawa kahit serious yun show. hehe Di ko alam kung bakit. Pero maganda yun Korean drama pag Japanese dub. hahaha Ang hilig din pala nila sa blind item, lalo na pag mga SOCO style program. Nakakailang, bitin pa. Lalo na pag interview yun ayaw magpakilala, talagang weird voice eh. hehe
Pangapat, eto yun medyo naweird ako, pag may weather report o picture taking o kahit film promotion o kahit jdrama promotion, di ko alam kung ano silbi ng flashcards at dala dala nila. It’s like pampagulo. hehe Di ko maintindihan kung kailangan nila talaga may ganun. Weird but I don’t know ano halaga ng style na yun. haha Ano pa.

Panghuli, yeah, dahil sa dami ng talk shows at news shows, parang nakaka antok at boring. Parang umay at minsan parang gusto mo ibang shows or maraming anime. Oo, makikita mo yun anime na sikat. Pero ang problema masyado marami usapan. Nakakasawa. Sana maraming jdrama o ibang shows, showbiz shows or fun shows, comedy shows pero wag naman info shows or news. Kakayamot. Parang lamang pa pilipinas pag dating sa chismax. hehe
Yun lang naman at kahit marami pang masama sa Japan TV, di naman nawala ang Koi, Ai, Suki sa Nippon. Ok lang sa kin yan, mas marami pa din factors bakit mahal ko ang Terebi. Mas lalo pa ko naging malapit sa Japan at sana sa isang araw..

Makapanood ako ng Japan TV mismo in Japan. =)

Watashi wa itsumo Nihon no terebi ga daisukidesu. Nandemo!

Arigato!!! http://tv.exitoostore.com/! bwahaha

Oh I learned one expression in Japan TV, na para nasanay na ko.

Heeeeeeeee!!!!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s