unplanned 78

Sorry di ko pa kaya itagalog lahat ng posts ko ngayon buwan! hehe Mahirap magtagalog sa buwan ng wika. =)
Sa ngayon, sabihin na natin nasa malayo akong lugar. Di ko inakala na dito na pala ako dadamputin. hehe Natawa ako sa tinanong ni Rheg kung bakit ako nandito. May tinataguan daw ba ako. hahaha Sino naman pagtataguan ko di ba?

Dami nangyari na pala.. Kaso sa sobrang busy at marami din like iniisip, di na nga ako nagcheck sa SNS. hehehe Parang once a week na lang, or minsan once in a blue moon. Thanks to Gerro eh laging may laman yun profile page ko. hahaha Kahit iba dun, eh di ko naman trip.

Kala ko masisilat yun team USA ng Serbia pero hindi pala. hahaha Magaling si Melo pag Team USA. Ibig ba sabihin kailangan ganun line up nya para magchampion sa NBA?
Di na ko nanonood masyado ng PBA pagkatapos masibak ang Gilas. hahaha Hindi naman yun ang pangunahin rason. Alaska mukhang gusto na magbakasyon. ROS, parang magulo pa. Saka ang nakakatawa, all star weekend. Kala ko players only get together lang. Ang luwag ng Araneta. hahaha Sinama pa si Pacman, para marami manood! Wow!!!

Ano ba nangyayari sa PBA? Pagkatapos ng huling conference eh biglang wala nanonood? Di lang Gilas siguro ito. Mukhang… Hehe ano ano kasi pinaggagawa ng opisina nila. Yun lang masasabi ko.

Maiba naman, ah mabuti nga nanalo tayo sa olympics! Silver Medal! Yehey!!!! Pero grabe, yun iba pinadala natin, di man lang nakalayo. Sana maayos ng bagong administration yun problema na yan sa sports. Grabe na yan.. Gaya nasabi ko sa isang posts ko, wag na lang tayo padala o dapat maraming budget na yan sports. Mahirap na yun nagpapadala tayo tapos kahit bronze lang wala. Wag mong sabihin 20 years ulit?!

Nakakamiss siyempre mga kaibigan ko na nasa maynila. Sayang nga di ako nakapunta kay Doc’s party. Di ako makatakas. hahaha

Lalo na yun SM North at ibang malls, namimiss ko na ha. Paano ba naman, ang mall dito, mas malaki pa fisher mall eh! hahahaha Well, family wise, di ko naman miss kasi lagi naman ako kakontact.

Ano ba masasabi ko o nararamdaman ko na nasa malayo ako? Nasa ibang posts na. Dun nyo na lang tignan. hehe Masasabi ko lang eh parang masarap pala kahit papano nasa malayo at makikita ang sarili ko. Yun nga lang, kakayamot kasi wala naman pasyalan.. Yun kaisang barkada ko busy. hehe Yun lang, parang si computer at phone lang friend ko dito. Ramdam na ramdam ko ang pagiging single. hahaha

Maalat ang buwan na to pagdating sa turo ko sa ingles! Tag init kasi sa Japan, kaya eto, halos walang estudyante, dagdag mo pa yun bakasyon na matandang estudyante. Di ko alam kung aabot pa pang bayad ng PLDT ang sweldo ko. hahaha Pero babawi ako next month, yun ang sigurado!!! Grabe yun nakuha ko nung nakaraan na buwan, di ako akalain malaki!

Arigato Weblio! hahaha Tama pala na naman ang tsantsa ko. Kung di lang ako naistorbo, tuloy tuloy na pala ang plano ko. Banas!!!!! hehe

Hay, sa ngayon, ewan ko. Tuwing maglalakad ako sa labas na mataas na araw.. Napapaisip ako at napapailing.. Tinanong ko siya, bakit ba ako nandito? Bakit ganito! Tahimik na ko at lahat at maayos ko na eh biglang ganito. Lalo na pag nalaman ko ang mga katotohanan.

Nakakainit. Nakakarinding. Nakakasakit ng ulo. Nakakadismaya.
Lalo’t yun mga unang linggo ko dito. Di ko akalain, naraos ko yun. hahaha

Ganun talaga ang buhay. At ako naman, di naman ako aatras. Pero natatak ko na sa akin.
Huli na to..

Ah, salamat, wala nang DVD back up!! Yehey, tapos na ang mga araw na kailangan ko pa ng DVD back up. hehe Di na kaya eh.
Salamat sa tunay na back up! Di ko akalain ganito na pala karami.

Yun lang sa ngayon. Hanggang sa muli! Paalam!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s