What if..

(Amerikano na boboto sa November)

Tama ba sa November ang president eleksyon sa US? Parang oo. hehe Sa mga nakikita ko mga balita o mga pangyayari sa US itong mga buwan, eh mukhang dalawa na lang pagpipilian ng mga kano. Kung ako ay isang kano, iboboto ko ba si Hilary? O iboboto ko si Trump?

Madali lang pipiliin, mahirap sagutin. hehe Kung baga, parang network lang sa pilipinas to, Smart o Globe? May iba, pero wala naman kwenta. hehe Parang importante sa mga kano ang eleksyon na ito dahil eto ang magdidikta kung hanggang saan talaga ang lakas ng USA. Kung talagang lalago bang ang bansa ko kung kaliwa’t kanan ang mga bayolenteng nangyayari, mapa itim ka or immigrante, lalo na paano magtrabaho ang pulis.. Isama mo pa ang walang katapusan debate kung ano dapat gawin tungkol sa pag ari ng baril.

Ang lumalaking utang na aabot na ata sa Trillion! Kahit magimprenta tayo ng maraming dolyar, di naman tama na solusyon yun di ba? Ang dumaraming probinsya na kung hindi mahirap, malapit na bangkarote gaya ng Detroit. Isama mo pa ang iba pang isyu na diskrimnasyon, imigrasyon, abortion at ang polisiya laban terrorismo na parang las malala kaysa dati.
Ang magandang tanong eh, ipagmamalaki mo pa din bilang Amerikano? Parang ang labo di ba? hehehe

Isang magandang halimbawa, Fil-am ako kung sakali, ako ba eh magtratrabaho pa din sa bansang mataas ang tax sa katulad kong middle class at wala man lang magandang health benefits tulad ng medicare. Mas maganda pa ata ang Philhealth kaysa sa medicare. Kahit mataas ang tax sa pinas eh kung may experience naman ako at makakuha ng magandang trabaho lalo’t galing ako Amerika, magdadalawang isip na ko. Alam ko dolyar naman ang sweldo, pero para mabuhay, kailangan magtrabaho pitong araw at kung malas malas, eh dalawang trabaho pa?

At ang maganda, ang mga pipiliin mong maging presidente eh makakatulong ba sa mga problema ko na parang di naman nawala kahit si Obama pa naging presidente?

HIlary Clinton? Maganda ang magiging imahe niya dahil magiging unang babae pangulo ng USA, pero hanggang dun na lang yun. Dahil sa mga skandalo niya hinaharap ngayon, at sa mga pangakong mukhang wala mangyayari at tingin ko sa kalagayan niya, di ko alam kung kaya niya talaga. Talo pa din ako sa kanya. Kahit di naman gagalawin ang immigrasyon at BPO, malabo naman umunlad ang US kung panay PR ang gagawin niya. Parang kulang pa siya at di pa sigurado sa gagawin niya para sa USA.

Donald Trump? Ok na sana siya eh. Yun ang kailangan ng US, business minded na leader at alam niya kailangan ng US… Kaso masyado mayabang (kahit may ipagyayabang) at nakakatakot yun mga polisiya nya, gaya na lang sa immigration at outsourcing. Parang pahihirapan niya yun mga malalaking kompanya, wag lang yun kompanya niya. hahaha Saka kailangan maganda PR niya. Kahit medyo bawi niya sa mga speeches niya ngayon, huli na. Grabe yun sinabi niya sa sundalo namatay sa Iraq, sana maganda yun sinabi niya yun imbes na kontra pa siya. Problema sa kanya eh yun issue ng baril at discrimination. Grabe, mukhang lalala sa admin niya sa mga bagay niya yun. Kaya yun parang nagdadalawang isip ako na bumuto sa kanya.

Wag magalala! May ibang pagpipilian kaso malabo manalo. hahaha Libertan ba tawag sa kanila, wala, huli na sila mangampanya.

Eto ang problema sa bi party system, pag parehas kandidato ang walang kwenta, boboto ka pa ba? Ang hirap di ba? Parang yun boto mo eh mitsa sa ikakabagsak ng Amerika! Ang saklap. hehe Ang masakit kasi, bakit wala bang leader na tutugon sa mga problema ngayon at bukas sa Amerika? Uunahin ba lagi yun magandang imahe ng US kaysa tugunan yun mga problema ng mga tao nakatira sa US. Di hamak naman kahit sa magulo sa pinas eh mas masaya naman sila kaysa sa US.. Parang kung ang partido pag uusapan parang pang sarili lang iniisip nila, saka na yun bayan kung may oras at panahon sila para matapos ang problema.

Ang sakit at ganito ang dadatnan mo sa pagboto. Hay… Kaya sa huli.

Di na lang ako boboto.. =(

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s