Eye of the Beholder

Sapagkat ako’y nasa malayong lugar.. Napapatingin ako mula sa sala namin hanggang sa labas ng bahay. Ang pinagkakaiba nga lamang eh panay talahib ang akin nakikita at malalaking puno na tila’y bihira ko makita sa lugar na aking kinaggisnan… Ang lugar ko ngayon ay maliit kumpara sa bahay ko dati. Ang buong lugar na aking kinauupunan ko eh parang kwarto lang sa dati ko tinitirahan.

Subalit ako’y di nagrereklamo dito dahil naisip ko na mas madali maglinis at magayos ng gamit. Hehe Ngayon eh tahimik dahil sa brownout na nangyari. Ako’y di masaya dahil di ako nakaturo ngayon. Lintik na walang ilaw dito. Ganito pala dito sa probinsya. Kaya naisip sana meralco ang nandito. Hehe

Dahil na rin sa matataas na talahib at puno, wag ka na magtaka kung may palaka at mga ahas na nakapalibot sa lugar na to. Nagulat lang ako sa mga kakaibang insekto nakikita ko dito. Di siya ordinaryo lamok o bangaw. Hehe Kung bihira ang baka sa maynila, dito’y laging may nakatambay na baka dito para kumain ng damo. Malaking tulong sila para malinis ang mga lote. Hehe

Ang mga tunog na maririnig mo o makikita mo lagi eh mga dumadaan na tricycle at sasakyan sa harap mo. Nakakaumay at nakakalumo. Pero di naman ibig sabihin nakakalungkot. Napakaraming aso dito.. Kaya’t pag ako’y nagjogging eh di ako makatakbo dahil sa kanila. Pero masarap lasapin ang kalikasan dito. Mapatingin sa lawak ng ulap at tinkad ng araw kasama ang berdeng paligid.. Parang nakakawala ng pagod.. Kaya masarap mag ikot sa umaga.

Ngayon, ako’y nagiisip kung bakit ako nandito. Nandito sa malayong lugar na puro damo at talahib ang akin nakikita. Mabuti na lang may mga kapitbahay naman kahit papano.

Ang aking pagtanto.. San na ko patungo? Tila ang aking mga mata ay di kumukurap..

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s