flashbacks: HS crush

Natanto ko na para di ko pa nalalagay ang aking HS crush. Tama, sa tagal ko na nagsusulat eh puro buhay sa kolehiyo ang aking naibabahagi.. Kaunti lang tungkol sa high skul. Bagama’t ang aking mga malalapit na kaibigan eh nasa high skul, un lang ang masasabi ko magandang naibigay sa kin ng parte na buhay ko noon.

Subalit, may iba pang pangyayari na masasabi ko kahit saglit eh napasaya naman ako. Akala ko wala ako crush nun high skul, nagkaroon pala. Hehe

Noong first year high skul ako eh nasa semi cream at kami ata eh pinalad na magkaroon na kaklase na babae. 6 ata sila kung hindi ako nagkamali. Ang crush ng bayan nun eh si ano. Hahaha basta kilalang kilala siya noon. Eh siyempre nagbibinata natitigan din kahit papano siya. Kaso siguro dahil crush ng bayan, nawala na din ako ng interes.

Samantala, eh may isang kaklase ako babae na masasabi natin maganda pero di kasing ganda ni crush ng bayan. Siguro lamang niya, kutis lang. Hehe naku sa unang dating pa lang eh di naman siya lutang kumbaga.

Subalit eh minsan sa di ko matandaan na pangyayari, kahit medyo deadmahin ang dating nya eh bigla ko siya nakausap at nagkabatian. Hahaha at naisip ko baka may natanong ko siya tungkol sa isang aralin.

At ayun na, may mga araw naguusap kami o lumabas sa parte ng mcdo para kumain at ayun nasamahan ko pa papunta sa bahay nya. Hahaha siguro, un na, dun ako nahulog. Iba pala siya. Matapang ang dating nya sa una pero pag nakilala mo na pala siya ok pala.

Eh kaso wala naman ako alam kung ano gagawin ko sa nararamdaman ko at nung panahon na yun di pa ko palagay sa klase. Kaya yun. At ang matindi pa, 2nd year hanggang sa pagtapos namin eh nawalan pa kami ng babaeng kaklase. Hahaha napunta un iba sa regular, un iba sa cream section! Di naman ako nalungkot nun..

Ang balita na lang eh etong si crush ng bayan nag US daw pero pagkatapos ng high skul eh nakita ko lang sa sakayan sa may BK at nagmadali sumakay ng jeep. Hahaha eh ang chismax daw nanganak ng maaga. Wala naman ata bf siya nung nasa high skul namin siya. Un ibang babae may kanyang kanya trip, un isa nga nakita ko pa sa eat bulaga na sumali sa campus crush contest. Hehe

Si HS crush ko? Naisip ko na buti na lang di ko siya nakatuluyan kasi… Basta.. Grabe ang nangyari pala hanggang sa 4th ng high skul. Hahaha nagulat ako.

Nakita ko siya, sa jeep, pauwi ako at katapat ko siya. Nakita nya ako pero di ako namukhaan. Siyempre iba na mo ngayon lalo’t kalbo na ko. Haha di ko siya binati no. Heller! Hehe tama! Ganun pa din ang dating nya at parang di siya tumanda ng ganun. Ang balita ko eh nasa prestiyoso law skul. Di ko alam kung tapos. Hehe at ehem mukhang ganun din daw.

Naku.. Un lang ganun pala magkaroon ng unang crush. Haha Sino cya? Eh nasa gitna na yun sagot. Hehe

tama na yan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s