Ginebra! Ginebra!

Naiba yun isusulat ko bigla. Dapat isang japanese movie pero dahil sa napanood ko kanina, bigla ako ginanahan magsulat tungkol sa pinakasikat na basketball team, di lang sa PBA, kung hindi sa pinas! Barangay Ginebra Gin Kings! O baka mali yun monicker na alam ko. hehe 
For the past 2 games, noong napanood ko sila against RoS siyempre, eh laugh trip. Alam ko na di naman ako magaling na basketball player in person pero knowledge na lang saka as a fan. Nag grow ito dahil sa kapapanood ng NBA, at pati yun ibang liga like PBL, DLeague PBA, NCAA, UAAP at siyempre PBA. Pag may chance nga na FIBA or Euroleague, patusin din. hehe Tapos nadagdagan pa ng odds dati ha, ayun na.. Analyzing basketball games became fun. 
Eh yun nga, game 1, dapat panalo na Ginebra kaso anak ng tinapa, biglang nag bwakaw ang magaling na tinyente at tira lang ng tira yun mga malaki kahit labas na sa range nila.. Ayun, napalakad pa sa half court si Coach Tim, tapos ang laro, umiinit yun RoS, tapos game 1! Dikit yun laban at masaya.
Kanina lang, 4th quarter na, nakadikit na ng 8 points yun Ginebra, aba bigla naman ano ano pinaggagawa sa depensa. Nalibre si Quiñahan, Jeff Chan, hanggang kay Ahamisi?! Partida pa yun RoS, tinapa, yun import, labas pasok pa. Hinihingal agad eh. hehe Sila Slaughter, di makaseal o pasok, ang laki naman niya. Yun import mabuti sumusunod kaso siyempre may pastar na PG ulit at naman, wag kalimutan si Caguioa. Kakamintis na tira niya, upo sa 4th quarter. Si Thomson ginamit na mukhang ok, kaso minama siya ng mga Norwood, Chan at Cruz. Yun mga malalaki ng RoS nagpapakamatay sa rebound saka position. Sila Slaughter at Japeth, wala, nakatulala lang. Lalo na si Japeth, hay naku. Di ko alam kung may IQ siya talaga or lost lang siya. Grabe.. Talon ng talon pero ang hilig sa jump shot. Ang hilig sa labas, bakit? 

If you ask kung naging fan ako nang team na to, oo naman dati. Añejo rhum pa no. hehe Pero hanggang Coach Uchico lang, kasi pumasok na yun RoS and Alaska. Lalo na nung tinanggal si Coach Jong tapos ano ano na pinag gagawa nila, ayun na, laugh trip na sila lagi. Kahit un huling finals nila, aba wala din.. Injured lahat and un import. Paano sila mananalo nun? 

Ayoko ko na pahabaan pa kung bakit sila naging ganito. Maraming dahilan, maraming paraan, kankungan pa din ang patutunguhan. Para manalo naman sila at lalo magfinals man lang kasi mahiya na sila. Coach Tim Cone na ha, tapos ganyan pa din? Di ko lam kung ano growth na sinasabi ni JDV nangyari this conference eh parang wala naman nagbago. 

Ok na yun coach, may sistema na at di ko siya sisihin kung bakit puro talo sila. Di gaya ng mga dating coach, na talagang mga ungas. Simple lang gawin nila, palitan si Long hair! 

Sorry, di pala, palitan yun halos buong roster. Kahit disappointing si Gregzilla, pero nagimprove talaga siya.. Kulang pa din.. Maganda yun triangle pag siya first option. Si Japeth, sad to say, habang may trade value pa, itrade na! Sama niya na si Chris Ellis na di ko alam ano ginagawa niya. Mahina sa depensa, di niya alam ginagawa sa opensa, tanggalin na siya. Si LA, kahit gusto ko din palitan, di pwede, siya nakakaalam ng triangle saka si JDV. No choice din palitan si JDV kasi kay Tim Cone lang lagi naglalaro. Nakabuenas na player. hahaha Pa especial. Si Sol, pwede siya itago or trade, may times na bagay siya, may times, na hilo din siya. 

Ang daming pa players na di ko kung fit.. Si Thompson may future yan, kailangan lang mababad. Si Cruz, depende din. Ah siyempre, yun Fast and Furious, pwede ba sabay na sila magretire? Now na?! Hahaha Wag na yun Helterbrand muna tapos Caguioa.. Diyos miyo, alam na nila dapat gawin. Sayang yun dalawang spot sa kanila. Di na talaga sila effective eh. Nakakalungkot aminin, mas magaling pa din yun kaedad nila, like Dondon o kahit si Alapag na nagretire na, napilitan lang maglaro ulit, may laro pa. Kahit si Asi or Eric Menk, effective. Di ko lang alam sa dalawang to, baka pwede pa itrade. hahahaha

Ah, dahil maraming players ang pwede itrade, ayun itapos sila sa mga mahinang team. Diyan naman sila magaling dati, aba gawin na ng tama ngayon di ba. hehe Saka kunin yun draft picks, mas maganda yun mataas at kumuha sila ng mga 2 shooters talaga. Sa triangle, di naman pwede isa o dalawang shooter lang o may isang big man at isang shooter lang. Kailangan marami shooter. Gaya ng bulls, ang daming shooter dun, di lang naman si MJ or Pippen yun. O gaya na lang ng GSW na lang, sa 5 players nila on the court lagi, 3-4 pwede mag 3 points or good mid range shooters. Wala sila nun sa team na to.

Nakakaawa naman ang fans, unti unti na nauubos kahit sa Araneta marami pa din. Tuwing nagbabasa ako ng comments or napapanood ko sila sa TV, kahit masaya sila napapanood, pero pagkatapos nun, sila yun pinaka bad trip pag natalo. Tulad na lang nung game 1, may nambato ng mineral water at natamaan yun attendant. Grabe.. Kahit masama siyempre ginawa niya, aba galit na siya sa nangyayari sa team.
Alam ko matagal pa magsink in yun triangle, kahit 2 coaches na ang nagimplement sa kanila nito. hahaha Pero may hope pa naman para magchampion sila.. Kasi champion nga sila, sa bora cup naman. hahaha 

Nakakatuwa lang kasi marami talaga silang fans at sana, manalo sila. Sa canteen, tricycle station, o kahit online na lang, pag panalo ginebra, parang buong barangay nagsasaya! Yun lang, sana mapabilis lang yun plano nila kasi kaya naman agad agad yun, lalo na may mga players na gets agad yun play saka maayos na depensa lang.. Tanggalin pa din si Japeth..

Di naman ako lilipat sa team na to kahit magchampion sila. Iba na ko ngayon..

Pero, iba talaga pag Ginebra ang bida. =)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s