unplanned 70

Pagkatapos nito, dalawa na lang! hahaha Mahahabol ko na yun mga post na kulang ko for the past, 3 months? Grabe… Hay ano ano kasi inabot ko malas sa computer, una DVD drive tapos sa huli, palit HDD na talaga. Ayun, eto mukhang bago ang computer ko. Ang bilis! hahaha Mamaya yun ultimate test.. Pirata!

I learned a lot at those times na parang ano na gagawin ko pag ayaw gumana ang pesteng computer ko. Dun ko natutunan na importante ang computer ko kaysa sa phone. Second close ang phone. hehe I mean in my material possesions. Grabe ang DOTA dati kasi nagsave pa ko para sure na aandar, pero sa bagong HDD, isang save lang at tuloy tuloy na ang laro! Ganun pala. Kaso kailangan ko magingat kasi seagate ito kaya yun rumors na madali ito masira eh malalaman na natin in the next years. hehe
Gulat ako, black WD HDD na ako, parang 2 years lang, nagloko na! Ganito na ba HDD these days or talagang kailangan ko na mag virus scan. hehe Or sinobra ko ang punishment sa HDD kasi naman sa download. hehe I can’t tell but sana gumana pa siya as storage. 

Sana manalo USTe mamaya, paabutin naman ng game 3, sayang kasi punta nila sa unexpected finals. Well, hula ko naman is FEU from the start of the season talaga. Iba kasi nilalaro nila. Pero siyempre, never give up na may pusong USTe. Ang bilis naman ng panahon, December na! Akalain mo, sobrang bilis ng panahon this year. Nung first quarter sobrang bagal, pero after nun, ayun na. Napakabilis ata. 
About work, can’t believe I’m performing well. Surviving pa. Saka ayun, malapit na regular for this month. Kahit may times talaga na parang kakatams na, ayun, performing pa din. I don’t know why but I just don’t want to lose in a way na dahil di ko lang ginagawa ang work ko. Pero grateful pa din ako sa work and now I’m planning smart and we’ll see in the next 2-3 months. hehe

Ah, sana naman may tumalo sa GSW, di pwede yun maka 33 wins sila. Mga ambisyoso, tama na yun mga 20 wins. hehe Pero dapat may makatalo, kahit Philly pa yan, talunin nila yan! hahaha Ano pa, number one Alaska ko! Parang lumakas sila kahit same line up, same play, pero si the Beast, parang naging one option na siya. hehe Pero same play lang sa kanya. Sana tuloy tuloy na yan. Yun Ginebra, may himala ha. Parang natauhan na ata sila, maaga pa pero sana matalo sila! hehe

Ano pa, my wish for Christmas, sa kin na lang yun pero yun iba, makuha yun mga kailangan ko at yes, start na to achieve my small goals. Yun lang, happy na ko. Happy naman ako at I can say, very lucky this year. Despite some big losses..

I think that will make you stronger right? Oh siya makapaglaba nga muna. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s